Popular Posts
-
July 28 – Aug 4 I do know that something’s wrong in my life right now, at age 25 and three months old. And I made steps to remedy that, I ...
-
The Big Bang Theory series definitely paved my most pop culture-est part of my life. I now watch youtube videos regularly, opened a tumblr a...
-
Wait for Me At ten in the evening, I am already halfway on my second pack of Marlboro lights, still struggling to produce even just a...
-
If I could fly, I would fly by writing. I wish I could tell you of a more worldly reason for blogging, like empowering women or teaching...
-
My Purple Thumb Last Monday, May 13, Filipinos held the national elections. And at 25, it was my first time to vote. Yes, I’m guilty of n...
-
Because misery kills and therefore should not win me over, here are 5 pretty little things for the week (July 7-13). I’ve been meanin...
-
" ...s ay so long to sleep and hello to the middle of the night. Grab a book or a beer. Get used to Letterman's gap-toothed smile...
-
The news that came up last July 12 shocked my well-made plans. But the change was fully welcomed and I was more than happy to do some twe...
-
For a year or two now, I have since refused to expand my interest on TV series. After Sex and the City and Grey's Anatomy which I had be...
-
Free Starbucks planner FTW! Months before 2012 ended, I thought of collecting stickers for that fancy ever-famous coff...
thinkingapril.blogspot.com. Powered by Blogger.
Dalawang taon na rin nang ang mga Hunyo ko ay hindi na tungkol sa pagsisimula ng klase. Ngayon, tungkol na lang sya sa malakas na ulan, DVD marathons, at pagtambay sa kama kasama ang mainit at matamis-tamis na mapait na champorado.
Pero minsan hindi ko rin maiwasang balikan ang mga taong babad pa ako sa readings, naglalakad sa campus na may basang-basang tsinelas at nag-aabang ng jeep pauwi. Minsan andun din ang mga memories nung first year ko sa college, mistulang halo-halo ang pakiramdam ko nuon: masaya, takot, excited, may namimiss, may tinatamad but above all, gutom. Gutom sa karunungan, gutom sa experience, gutom sa sobrang daming pangarap na kalakip ng unang pagtuntong sa kolehiyo.
May tatlong pinakaimportanteng kailangan mong malaman sa isang schoolmate sa aking opinyon:
1. NAME. Mahiya ka naman kung iad-dress mo siya bilang classmate/seatmate
2. YEAR. Minsan kasi nakakagulat na ang mukhang freshman ay 5th year na pala.
3. at COURSE. Kasi marami ang macoconclude pag nalaman mo ito: ang mga hilig niya, subject strengths and weaknesses, atbp.
Pero dahil Statistics major ako, natutunan ko ang pagkakamali sa generalization, na-porke BS Stat ay dapat magaling sa math, hindi laging ganun. Nalaman ko rin na hindi sobrang importante ang pangalan dahil makakalimutan ko rin naman ang mga iyon pagkatapos ng ilang buwan. Natuto akong magmasid sa mga tao, magkurokuro kahit hindi ko sila kilala, at sa tagal ng inistay ko sa kolehiyo, kahit gaano karami o sino ang nagsasabi na ang UP ay isang microcosm ng ating lipunan. Ang mga tao sa UP ay kayang-kayang bilangin sa dalawa kong kamay lamang. Oo, less than 10 pa nga eh.
IKAW, AKO AT ANG MGA –
Cono
Manong, can I make tusok the fishballs already?
Ayan ang isa sa mga sikat na litanya ng mga cono, ang pagtusok sa fishballs ni manong… Ang mga cono ay yung mga taong makakapag-padugo sa ilong mo, dahil hanep silang mag-ingles, meron ding iba na hindi masyadong hanep pero nagta-trying hard.
Tibak
Sila iyung mga mahilig magsuot ng pula, sila iyung nagsasalita sa megaphone sa A.S. lobby at sila rin iyung mahilig mamigay ng fliers bago ka umakyat ng stairs. Sila iyung habang nagkaklase kayo ay may biglang maglalakad na kulumpon ng tao sa corridor at sisigaw ng “Iskolar ng Bayan!” Sila din iyung mahilig mag-room-to-room para ispread ang issues ng lipunan, at kadalasang malas dahil hindi sila pinapapasok sa room. Minsan papasok sila sa room at kakantahan ka nila kasabay ng pagtugtog ng gitara, ok lang un, may 5 minutes na panahon ka pa para makapaghanda sa surprise quiz na ibibigay ni Prof pag nakaalis na sila.
Geecee
Hindi juicy ah, geecee meaning grade conscious. Kabilang diyan iyung classmate mo na feeling hindi okay ang isang araw kapag di siya nakapagrecite, pati iyung isa mo pang classmate na nauupo lagi sa harap ng klase na kapag nagsalita ay parang sila lang nung Prof ung nasa room. Magsisimula ang conversation mo sa kanya kasi tatanungin ka niya ng ganito: “alam mo ba iyung no.8 sa test 2? Naguluhan talaga ako dun eh.”
MRR
Presenting ang ating mga magna at summa, magnanayn at summasampung taon na sa UP. Siya ung classmate mo na kung pumasok ay 30 minutes late at pagkatapos ng klase ay nagmamadaling umalis. Naranasan na rin niyang pumasok sa klase at makita kayong me dalang bluebook, hindi niya alam na exam day un. Pero hindi lahat ng MRR ay tamad mag-aral at pumasok, syempre andun din ung tinatawag na shiftees na nadelay ng isa/ilang taon, kaya huwag mag-generalize. Bad iyun..
Fratman/sorogirl
Usually makikita mo sila sa A.S. parking lot at sa loob ng A.S. mismo. Madalas silang late pag pumapasok sa class. Kapag nasiyempuhan ka, maaari kang makakuha ng roses na pinamimigay nila out of their generosity. Marami sa kanila ang nagpailaw ng mga puno sa acad oval kapag gabi, pero 2nd year pa ata ako nun. Sila rin iyung naghahatid sa atin ng mga bigating concerts kapag Pebrero, for that, mabuhay ang mga mayayamang soro at frat!
Atleta
Ang mga madadaanan mo na may pagkalakilaki ng bag, akala mo luluwas. Sila iyung mga nakajacket ng varsity kahit sa tingin mo ay di naman kalamigan. Nagsisiputok ang kanilang mga muscle sa kanilang hapit na shirt, and with matching pawis kasi galing sa gym, cooool…
Freshies
Dahil mga bagong salta sila sa UP ay wala sila sa 8 nasa itaas, special kasi. May mga certain privileges, priority sa enrollment, may libreng ride sa jeep, libre ding isaw sa kalay, atbp. Lenient din ang mga upperclassmen sa freshies; siyempre kailangan nila ng beginner’s luck. Madali lang silang matagpuan, kadalasan laging magkakasama at mamamata mo din sila sa paraan ng kanilang pananamit. Basta, ikaw na lang ang tumingin kung bakit.
Yan, pagkatapos mong malaman ang mga stereotypes ng UP (sila-sila rin ang gumagawa mismo ng mga stereotypes na ito) at least maaaliw ka na sa kamamasid ng mga tao at pag label sa kung saang grupo sila belong. Pero tandaan mo pa rin na sa huli, walang isang tao na macocontain mo sa iisang trait group, or else naka-commit ka ng isang salang panghumanidad.